top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kotong cops, tuloy dobleng suweldo, bawiin na!

Pabs Hernandez III
Oct 26, 2019
2 min read

MAY PUNTONG MAPIKON SI SEN. “BONG” GO SA ABSCBN—Napikon si Sen. Christopher “Bong” Go sa tirada ng ABS-CBN na early campaigning o maagang pamumolitika raw ang ginagawang pagbibigaytulong ng senador sa mga nasunugan sa Caloocan City.

May puntong magalit si Sen. “Bong” Go kasi tapos na ang eleksiyon, matagal pa ang susunod na eleksiyon tapos ang ginagawa niyang pagtulong sa mga nasunugan ay binabahiran pa ng politika ng ABS-CBN.

Naku, baka dahil sa pang-iintrigang ‘yan ng ABSCBN kay Sen. Go ay tuluyang nang hindi mabigyan ng prangkisa ng Duterte gov’t. ang TV network na ito next year, boom!

◘◘◘

MASAKIT SA DIBDIB NG DILAWAN ANG PAG-DISMISS SA P287 MILYONG FORFEITURE CASE NG PAMILYANG MARCOS—Na-dismissed ng Sandiganbayan ang P287 million forfeiture case na isinampa ng PCGG laban sa Pamilya Marcos.

Ang desisyon ng Sandiganbayan na pabor sa Pamilya Marcos ay masakit sa dibdib ng “dilawan”, hehe-he!

◘◘◘

PAGTALAGA KAY GEN. SINAS SA NCRPO, SABLAY!— Sablay yata ang pagkakatalaga kay Brig. Gen. Debold Sinas sa NCRPO kasi imbes na pagsisibakin, ipinagtanggol pa nito ang 16 na pulis-NCRPO na nagtangkang magpasok ng mga kontrabadong cellphones, alak at sigarilyo sa Bilibid nang sabihin niyang (Sinas) hindi naman daw sa loob kundi sa labas daw ng Pambansang Piitan nakumpiska ng mga tagaBuCor ang naturang mga epektos.

Hay naku, kung ganyan ang uri ng mga opisyal ng PNP, asahan nang lalong mawawala ang tiwala ng publiko sa kapulisan, period!

◘◘◘

DAPAT BAWIIN NA NI P-DUTERTE ANG DOBLADONGSUWELDO SA MGA PARAK TUTAL AYAW NAMAN NILANG MAGLUBAY SA PANGONGOTONG— Dalawang pulis-Pasay City na sina Cpl. Reynald Macwes at Cpl. Jimuel Bernal ang nahuli sa aktong nangongotong sa mga terminal ng bus sa lungsod.

Dapat yata bawiin na ni P-Duterte ang ginawa niyang pagdoble sa suweldo ng mga pulis at ibalik sila sa dati nilang suweldo kasi ayaw naman nilang maglubay sa pangongotong, mga buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page