Pulis binentahan.. Jeepney driver kulong sa droga

Isang jeepney driver na sideline umano ang pagtutulak ng ilegal na droga ang arestado matapos magbenta ng shabu sa pulis sa naganap na buy-bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit Head P/Capt. Deo Cabildo ang suspek na si Enrico Guevarra, 33, ng Bgy. 162, Sta. Quiteria.
Sa report ni Capt. Cabildo kay City Chief of Police Col. Noel Flores, alas-12:00 ng hatinggabi nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU at PCP-7 ang buy-busy operation kontra sa suspek malapit sa kanyang bahay.
Agad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos tanggapin ang P200 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nang kapkapan, narekober sa suspek ang buy-bust money at isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.





Comments