top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga hotdog, tocino at longganisa, damay sa ASF sa mga baboy

Pabs Hernandez III
Oct 25, 2019
2 min read

HINDI PA PALA LIGTAS KAININ ANG KARNE NG BABOY KASI ULTIMO HOTDOG, TOCINO AT LONGGANISA, SAPOL NG ASF—Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) na base sa isinagawa nilang pagsusuri, positibo na rin sa African Swine Fever (ASF) ang mga panindang hotdog, tocino at longganisa sa merkado.

Ganu’n? Pambihira, eh, panay ang epal ng mga gov’t. offcials na kesyo ligtas na raw kainin ang mga karne ng baboy, ‘yun pala pati hotdog, tocino at longganisa ay may ASF na, mga buwisit!

◘◘◘

VP LENI, MALAMANG TALAKAN NA NAMAN NI P-DUTERTE SA PAGSABING SABLAY ANG ‘DRUG WAR’—Para kay Vice-Pres. Leni Robredo, sablay ang ‘war on drugs’ ni P-Duterte, kaya ang panawagan niya sa pangulo, itigil na ang ‘bloody drug war’ sa bansa.

Sa lahat ng ayaw ni P-Duterte ay ‘yung may pumupuna sa kanyang “drug war” at napatunayan na ‘yan nang murahin niya ang mga bansang bumabatikos sa kanyang giyera kontra ilegal na droga at dahil nagbigay ng ganyang statement si VP Leni, asahan nang tatalakan na naman siya ng pangulo, abangan!

◘◘◘

BANGAYAN NG BARRETTO SISTERS, HUWAG NA SANANG PROBLEMAHIN NI P-DUTERTE—Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin makapaniwala si P-Duterte sa nasaksihan nitong away nina Gretchen at Marjorie sa burol ng ama ng Barretto Sisters.

Hay naku, dapat alisin na ni P-Duterte sa isipan niya ang isyung ‘yan kasi ang daming kinahaharap na problema ang bansa tapos mistulang pinuproblema pa niya ang bangayan ng Barretto Sisters, boom!

◘◘◘

KAHIT MAY ‘NO TAKE POLICY’ SI GEN. GAMBOA, JUETENG NI “ARIZA” SA CAVITE, TULOY PA RIN—Sa kabila na may direktibang “no take policy” si PNP-Officer-in-Charge (OIC) Lt. Gen. Archie Gamboa, hindi pa rin daw tumitigil ang raket na jueteng ni “Ariza” sa Cavite.

Kung ganyan na ayaw itigil ni “Ariza” ang kanyang jueteng operation, dapat ipa-"tokhang” na ito ni Cavite PNP Director Col. William Segun kasi kung wala siyang gagawing aksiyon ay baka pagdudahan siya ni Gen. Gamboa na may “take” siya kaya “nganga” lang siya sa raket ng ilegalistang ito, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page