Homeowners association, dapat rehistrado sa HLURB
- Dr. Persida V. Rueda-Acosta
- Oct 25, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung dapat pa ba naming irehistro ang itatayo naming homeowners’ association sa HLURB? — Lady
Dear Lady, Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Sec. 21, Rule 5, Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 9904 o mas kilala sa tawag na “The Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations” kung saan nakasaad na:
“Section 21. Mandatory Registration. – It is mandatory for all associations to register solely with the HLURB. All associations whose purpose, among others, is to promote and protect their mutual interest and assist in their community development as homeowners are considered homeowners associations.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, malinaw sa batas na ang lahat ng mga homeowners’ association sa ating bansa ay kinakailangang magparehistro sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments