top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Bahay ni Mayor, binomba

  • Jeff Tumbado
  • Oct 25, 2019
  • 1 min read

Binalot ng sindak ang mga residente sa Zamboanga City makaraang pasabugan ng granada ang bahay ng isang alkalde sa Canelar Moret kahapon.

Ayon sa inisyal na report kay Zamboanga City Police Office (ZCPO) Director Tomas Joseph Martir, pasado alas-4:00 ng madaling-araw nang maganap ang pagsabog sa bahay ni Pangutaran, Sulu Mayor Asri Taib.

Sinasabing dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo ang naghagis ng granada sa labas ng bahay ng nabanggit na opisyal.

Wala namang nasaktan sa pangyayari maliban sa nasirang kotse na nakaparada malapit sa gate ng bahay.

Hindi pa alam kung sino ng nasa likod at kung ano ang motibo ng pagpapasabog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page