Babala sa mga adik sa FB, IG at Twitter.. Away ng mga Barretto, nakakamatay!

Photo: DOTr
Naglabas ng paalala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga motorista kaugnay sa awayan sa pagitan ng magkakapatid na Barretto.
Sa pamamagitan ng kanilang Facebook page, naglabas ng anunsiyo ang DOTr kaugnay sa batas laban sa distracted driving.
Kabilang sa mga nakalistang paalala na iwasang magbasa ng update sa Facebook, Instagram at Twitter posts nina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto.
Kung may kasama umano sa sasakyan, hayaan na lamang na sila na ang magbasa ng updates.
Kung hindi naman maiiwasan, mas makabubuti umanong tumabi muna sa daan ang driver bago magbasa o magkomento sa isyu ng mga Barretto.
Sa pamamagitan ng nasabing paalala ay magiging ligtas at updated pa rin ang mga motorista sa pinag-uusapang isyu ngayon lalo na sa social media.





Comments