7 ISIS todas sa AFP at PNP
- Jeff Tumbado
- Oct 25, 2019
- 1 min read

Pitong miyembro ng ISIS linked terror group na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang pinabulagta ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa panibagong engkuwentro sa Cotabato, kamakalawa.
Ayon kay Major Arvin Encinas, nangyari ang sagupaan nitong umaga ng Miyerkules sa Sitio Narea, Bgy. Tumbras, Midsayap.
Isa sa mga nasawing terorista ay nakilalang si Mama Macalimbol, 35.
Nabatid na si Macalimbol ang isa sa lider ng grupo at may kinahaharap na warrant of arrest para sa kasong multiple murder.
Si Macalimbol ay number 4 most wanted sa Midsayap.
Napatay din sa operasyon ang isang Bidis Macarimbang.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng limang iba pang napaslang sa engkuwentro.
Narekober ng mga awtoridad ang ilang matataas na kalibre ng baril at amunisyon.
Nagpapatuloy pa ang clearing operation sa lugar ng engkuwentro.





Comments