Warriors, dinale ang Capitals; Volcanoes, nilusaw ang Athletics

Ipinakita ng General Santos Warriors ang kanilang pusong mandirigma nang gapiin ang Quezon City Capitals, 124-103, noong Martes upang palakasin ang tsansa sa playoffs sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa Batangas State University Gymnasium.
Makaraan nila ay niyari naman ang Batangas Athletics ng Bicol Volcanoes, 71-76, na sumadsad sa anim na laro.
Giniba naman ng Navotas Uni-Pak Sardines ang Biñan City Luxxe White sa opener, 110-98.
Si dating pro Pamboy Raymundo ay nakapagtala ng MPBL record 18 assists at 22 points habang ang homegrown na si Delmar Mahaling ay may 23 at may 13 rebounds upang bitbitin ang Warriors sa 14th win laban sa 6 na tal at ilagay ang Athletics sa third spot sa may 15 teams sa South division.
Ang Warriors, Davao Occidental Tigers (16-2) at ang Bacoor Strikers (15-4) ng South ay may 18 points at 9 rebounds mula kay John Orbeta, 16 points, 7 assists, 5 rebounds at 4 steals mula kay homegrown Christopher Masaglang, at 16 points at 5 rebounds mula kay Al Carlos at biguin ang Capitals sa 8-11 sa 16-team North division.





Comments