Sunog, kayang iwasan kung mag-iingat lang

Isang pagtatanghal mula sa Lungsod ng Maynila at Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau (MTCAB) kasama ang Manila Philharmonic Orchestra at Themeworks Events, ang “Maynila: Maalala Mo Kaya, Ang Musika ng ating Kasaysayan” ay isinagawa kagabi sa Simbahan ng Sto. Niño de Tondo.
Ang konsiyertong ito ay pinangunahan ng Manila Philharmonic Orchestra kasama ang mga kilalang mang-aawit, sa pagkumpas ni G. Rodel Colmenar at sa direksiyon ni G. Miguel Miñana.
Noong isang gabi, nag-umpisa na ang pinakaaabangang “Octoberfest” sa Malate kung saan maraming kabataan at datihan nang parukyano ang dumalo at nakipagsayahan.
Ilan lamang ito sa mga marami pang aktibidad na isinasagawa ng lungsod at pribadong mamamayan upang manumbalik ang turismo at sigla ng Lungsod ng Maynila.
◘◘◘
Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod din ang mga sakuna. Gayunman, ginagawa ng ating tanggapan ang lahat upang maibsan ang kahirapang dinaranas ng mga biktima ng nasabing sunog.
Patuloy tayong mag-ingat sa ganitong klase ng sakuna na kalimitan ay kaya sanang mapigilan kung nag-iingat lang at patuloy na iwasan ang pagnanakaw ng kuryente na kalimitang sanhi ng ganitong sakuna.
Malapit na ang Pasko kaya mahalagang magdoble-ingat tayo at palaging i-check ang mga koneksiyon ng kuryente, maayos na paglagay ng LPG at ang pag-iingat sa paggamit ng uling at posporo.





Comments