Starmall pinasok ng holdaper, sekyu todas
- Jeff Tumbado
- Oct 24, 2019
- 1 min read

Photo: Jerome Bulan
Sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang security guard, patay ang 32-anyos na lalaki makaraang barilin ng holdaper sa loob ng isang mall sa San Jose del Monte City, Bulacan, kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Ronnie Pascua, 32, ng Vanguard Security Agency, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib.
Ayon kay San Jose del Monte City Police Chief Lt. Col. Orlando Castil, hinoldap ng hindi pa tukoy na lalaki ang bayad center sa Starmall pasado alas-2:00 ng hapon ng Martes.
Sinubukang dakpin ni Pascua ang holdaper nang maharang ito hanggang sa magpambuno ang dalawa sa dalang baril ng suspek. Pero, nagawang makapiglas ng salarin at pinaputukan ang sekyu bago tumakas.





Comments