ROS, nilunod ang Elite; PVL: Air Force, nagwagi
- ATD
- Oct 24, 2019
- 1 min read

Nagpakitang-gilas ang Rain or Shine Elasto Painters matapos nilang kalusin ang Blackwater Elite, 99-82 sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.Nagtala si local Rey Nambatac ng 18 points at tig- 7 rebounds at assists upang tulungan ang Elasto Painters na kalsuhan ang four-game losing streak at ilista ang 2-5 karta. Tumikada si super rookie Bobby Ray Parks ng 27 points at 11 rebounds para sa Elite na nalasap ang pangalawang sunod na talo, hawak nila ang 2-5 record.
Sa fourth quarter humugot ng lakas ang Elasto Painters, lamang lang sila ng siyam, 49-40 sa halftime. Bahagyang kumapit ang Elite sa third, naibaba nila sa dalawa ang hinahabol, 67-69 papasok ng 4th.Pero uminit ang opensa ng ROS sa payoff period kaya nakuha nila ang importanteng panalo.
Samantala, sisikapin ng TNT KaTropa ang pagsilo ng walong sunod na panalo pagharap nila sa NLEX Road Warriors ng 7 p.m. Sasandalan ng KaTropa ang kanilang locals na sina Jayson Castro at Troy Rosario. May kartang 5-1 ang Road Warriors, galing sila sa panalo matapos silang akayin ni Kiefer Ravena. Maghaharap sa unang laro ang Columbian Dyip at Phoenix FuleMasters ng 4:30 p.m.
Samantala, isinara ng Philippine Air Force ang kampanya sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa bisa ng isang panalo nang talunin ng Lady Jet Spikers ang Pacific Town Army, 28-26, 25-20, 26-28, 26-24, kagabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.





Comments