P25,000 multa sa haharang sa fire hydrant
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung ano ang kaukulang parusa kapag ang sasakyan ay humarang sa fire hydrant? — John Christian
Dear John Christian, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Rule 12, Section 12.0.0.4 (B) (4) (d) ng Implementing Rules and Regulations (IRR) of Republic Act No. 9514 o mas kilala bilang “Fire Code of the Philippines of 2008” kung saan nakasaad na ang kaukulang parusa sa sinumang haharang sa fire hydrant ay “4. Failure to observe the following declared prohibited acts and omissions as required under Section 8 of Republic Act No. 9514.
DESCRIPTION
d. Obstructing designated fire lanes or access to fire hydrants.” [Binigyang-diin]
SCHEDULE OF FINES
PhP 12,500 to PhP 25,000
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito.
Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments