top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P-Digong, ipinahamak ng NEDA, 38 infrastructure projects, drawing lang pala!

  • Pabs Hernandez III
  • Oct 24, 2019
  • 2 min read

BANGAYAN NG BARRETTO SISTERS, MAS HIT KAYSA SA DILAWAN VS. LOYALISTA AT DDS VS. STUDENTS — Wala nang gaanong arrive sa social media ang bangayan ng “dilawan” at loyalista kung sino ang tunay na VP kina Leni Robredo at ex-Sen. “Bongbong” Marcos, gayundin ang bangayan ng mga DDS at mga estudyante ng UP-Visayas tungkol sa kontrobersiyal nitong cheering squad. Pero, ang bangayan ng Barretto Sisters, hit pa rin sa social media.

Pambihira, mas importante pa pala sa netizens ang bangayan ng magkakapatid na Barretto kesa sa isyung panlipunan, buwisit!

◘◘◘

BAD NEWS DAHIL SA 75 BIG PROJECTS NA IPINANGAKO NG NEDA, 37 LANG ANG MATUTULOY — Inihayag ni Sec. Ernesto Pernia ng National Economic and Development Authority (NEDA) na sa 75 malalaking proyekto ng Duterte gov’t., 37 na lang ang matutuloy dahil masyado raw magastos at matagal na panahon ang gugugulin para matapos ang ilan sa mga ipinangakong infrastructure projects ng pamahalaan.

Dapat palang sibakin na ni P-Duterte si Pernia dahil inilagay nito sa kahihiyan ang kanyang administrasyon, kasi ang daming proyektong isinubo sa kanya ng NEDA at inaprubahan naman niya ito kaya ibinida na ng Malacañang sa publiko ang 75 infrastructure projects ng Duterte gov’t., tapos ang ending, 37 projects lang pala ang kayang pondohan at tapusin ng gobyerno, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

SORSOGON-SAMAR BRIDGE AT LEYTE-SURIGAO BRIDGE, HINDI NA MATUTUPAD — Ang ilan sa mga proyektong malabo nang matupad ay ang tulay na magdurugtong sa Sorsogon at Samar, at Leyte at Surigao.

Dahil d’yan, tiyak na bad trip ang mga taga-Sorsogon, Samar, Leyte at Surigao kasi ang akala nila, makapagha-happy trip na sila kapag natapos na ang mga tulay na ito, ‘yun pala, ang promise ng NEDA tungkol sa mga proyektong ito ay hanggang promise lang pala, buwisit!

◘◘◘

“NO TAKE POLICY” SA MGA ILEGALISTA, DAPAT LANG! — “No take policy” sa lahat ng uri ng ilegal. ‘Yan ang direktiba ni PNP-OIC Lt. Gen. Archie Gamboa sa lahat ng parak.

Aba, dapat lang kasi mantakin n’yo, doblado na ang suweldo nila kaya bad talaga kung magte-take pa sila ng “tongpats” sa mga ilegalista, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page