top of page
Pokwang.jpg

Comboy ng FEU, nanuwag, UP, dumidikit sa playoffs

VA
Oct 24, 2019
1 min read

Nakaligtas ang Far Eastern University sa kanilang mga naging krusyal na errors matapos ungusan ang Adamson,63-60 sa UAAP 82 Men’s Basketball Tournament. Umiskor ng tig-11 puntos sina Wendell Comboy, L-Jay Gonzales at Ken Tuffin upang pamunuan ang panalo. Dahil sa tagumpay umangat ang Tamaraws sa markang 7-6, panalo-talo na nagpatatag ng kapit nila sa ika-4 na puwesto.

Sa unang pagkakataon, hindi umabot sa Final 4 ang Soaring Falcons sa loob ng apat na taon makaraang bumaba sa 4-8 na marka.

Sa unang laban, nakalapit ang University of the Philippines sa target na ikalawang playoffs slot matapos talunin ang National University, 80-77. Nanguna si Kobe Paras sa panalo sa iniskor niyang 19 puntos bukod pa sa 6 assists at 4 rebounds kasunod si Juan Gomez De Liaño na may 11 puntos, 11 rebounds, 6 assists at 2 steals. Sanhi ng tagumpay, umakyat ang Fighting Maroons sa markang 8 panalo at 4 na talo at ngayo’y nakatitiyak na ng playoffs para sa isang Final 4 berth. Pero gaya ng inaasahan, hindi naging madali para sa kanila ang makopo ang panalo. Katunayan, naibaba sa dalawa ang kanilang kalamangan ng Bulldogs, 77-79, may 11.5 segundo pa ang natitira sa laban kasunod ng dalawang freethrows ni Shaun Ildefonso.

Mula roon, naka-split ng freethrows si Jun Manzo habang umikot- ikot sa bunganga ng ring bago lumuwa ang ipinukol ni Ildefonso na dapat ay winning 3-pointer.

Tumapos na leading scorer para sa National University na bumagsak sa 2-10 na kartada ang kapatid ni Shaun na si Dave Ildefonso na may 24 puntos, 6 rebounds, 6 assists at 3 steals.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page