top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Barretto Sisters, magaganda lang, mga bad influence naman!

Ka Ambo
Oct 24, 2019
1 min read

Anibersaryo ngayon ng pagkakabuo ng United Nations.

Binuo ang U.N. para pagharian ng malalaking bansa ang maliliit na nasyon!

◘◘◘

KASAMA sa founding member ng UN ang Pilipinas.

Ito ay noong panahon na ang Pilipinas ay isa pa sa mga “malalaking bansa” sa Asia.

Ngayon, hindi na!

◘◘◘

NABISTO ang mga karahasan sa PMA.

Dapat na itong buwagin!

◘◘◘

BIDANG-BIDA ang magkakapatid na Barretto.

Napakasamang modelo!

◘◘◘

ANONG klase kaya ang mga magulang ng magkakapatid na Barretto?

Ipinakikita rito na ang “kagandahan” ay wala sa pagmumukha!

◘◘◘

ANG masakit, hindi malayong mabunyag ang “high-class” prostitution.

Kusang naghuhubad ng maskara ang kaawa-awang suspek na pawang mga biktima rin ng maruming lipunan!

◘◘◘

IPINAKIKITA rin dito na ang salapi ng multi-bilyonaryo ay ginagamit upang maging commodity o produkto ang pagkatao ng isang nilalang.

Kaawa-awa ang mga menor-de-edad sa kontrobersiya!

◘◘◘

AMINADO ang Malacañang na maysakit si P-Digong.

Hulaan: Sino ang tuwang-tuwa?

◘◘◘

HINDI na napapanood sa Philippine TV ang NBA games.

Para sa mga adik sa NBA, nakikiramay kami!

◘◘◘

MAKIKITA rito na wala nang kapital ang mga media outfit sa Pilipinas.

Lahat sila ay kandidato sa pagkabangkarote!

◘◘◘

NILOOBAN ang Bayad Center sa loob ng Star Mall sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Isa ang patay at hindi naaresto ang mga kawatan.

Sintomas ito ng pagbabalik ng krimen sa Metro Manila!

◘◘◘

BUMALIK na sa lansangan ang mga adik at holdaper.

Epektibo ba ang mga taga-Davao?

◘◘◘

KAILANGANG matuto si P-Digong sa itatalaga niyang bagong PNP chief.

Hindi puwede ang padri-padrino, pagbatayan niya ang actual performance at reputasyon!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page