Aminadong sapaw sa Asia's Songbird… Hirit ni Alessandra: Ayoko nang pumunta ng presscon nang ma
- Vinia Vivar
- Oct 24, 2019
- 3 min read

Si Regine Velasquez ang pinakamalaking artista sa Cinema One Originals at siya ang bida sa isa sa 8 official entries na Yours Truly, Shirley. Kaya naman ngayon pa lang ay aminado na ang ilang mga artista sa festival na nape-pressure sila when it comes to box office appeal at pati na rin sa labanan ng Best Actress, pero happy silang makasabayan ang Asia’s Songbird dahil fans sila ni Regine.
“Oo naman po (may pressure),” pag-amin ni Anna Luna na bida sa pelikulang O sa media launch ng Cinema One Originals nu’ng Martes, “dahil napakalaking. . . big star po talaga si Miss Regine, at lahat kami… kanina, nang pumasok siya sa dressing room, nanginig kaming lahat sa loob, eh,” sabay-tawa.
“Pero masaya po kaming lahat na kasama namin si Miss Regine sa isang festival din po. Sapat na ‘yun,” dagdag pa ni Anna.
Biro naman ni Ricky Davao na isa sa cast ng Metamorphosis, “Wala naman akong concert.”
Pero dagdag din ng aktor, “I’m very happy that Miss Regine is acting again. Ako, nami-miss ko na siya on the big screen. It’s been so many years na, ilang years nang hindi ka umaarte? Nami-miss ko na ‘yung with Aga (Muhlach), with Robin (Padilla). So, this is a chance ulit na mapanood siya and thank you for giving your fans, kami, a chance to see you again and kami rito, I think, we’re happy. Sama-sama tayo rito, eh. One big, happy family. Good luck to all of us.”
Pakuwela naman ni Alessandra de Rossi na bida sa pelikulang Lucid, hindi raw siya nape-pressure.
“I’m not feeling any pressure right now,” sabay-tawa. “Actually, ayoko na ngang pumunta ng presscon nu’ng nalaman kong nandito si Regine. Sabi ko, ‘Kailangan pa ba ‘ko? Baka kaya na niyang mag-isa,’” natatawa pang dagdag ni Alessandra.
Hirit pa ni Alex, hinahamon na lang niya sa isang singing showdown si Regine na naroroon din sa audience waiting for her turn at the presscon dahil hinati sila sa dalawang grupo para magkasya sa stage.
Tawa naman nang tawa si Regine.
Nang ang grupo naman ni Songbird ang umakyat sa stage, natanong siya kung ano ang feeling niya sa mga papuring ibinigay sa kanya ng mga kalabang artista. Aniya, masaya siya na nakasama sa festival bilang matagal na rin siyang hindi nakakagawa ng movie.
First time ni Regine na gumawa ng indie (independent) film at ito rin daw ang first time niya na makasama sa festival at hindi rin daw niya ikino-consider na isa siyang aktres.
“So, mahirap ilagay ‘yung sarili ko sa karamihan ng magagaling na artista ngayon and I’m very honored to be here.”
When asked kung ano ang pakiramdam niya na parang inaasahan nang siya ang magiging Best Actress ng festival, at kung sakali, ang mahigpit niyang makakalaban ay si Cherie Gil na bida naman sa Tia Madre, balik-tanong ni Regine, “May labanan pala?” sabay-tawa. “Hindi ko alam na may labanan pala, hindi ako na-inform.”
Ayon kay Songbird ay wala naman daw siyang anumang expectations.
“Like I said, I’m just very happy to be here, na mapabilang sa mga magagaling na artista natin dito. Wala akong expectations. Plus kung ihahambing mo naman ‘yung role ko sa role ni Miss Cherie Gil, parang kinanta niya ‘yung What Kind of Fool Am I, tapos kinanta ko ang Urong Sulong. Ganu’n ang basehan, ‘teh,” she said.
Mula sa direksiyon ni Nigel Santos, kasama rin ni Regine sa Yours Truly si Dennis Padilla at si Rayt Carreon ng Hashtags. The movie premieres on Nov. 10, 9:45 PM at Trinoma.





Comments