top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Alab Pilipinas coach Alapag sa 45th TOPS

  • MC / D.I.
  • Oct 24, 2019
  • 1 min read

Sasalang ngayon ang San Miguel Beer-Alab Pilipinas basketball team sa pangunguna ni coach Jimmy Alapag sa ika-45th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila. Ilalahad ni Alapag, nagsisilbi ring team captain ng Gilas Pilipinas at assistant coach ng San Miguel sa PBA, ang magiging tsansa ng Pilipinas sa 2019-20 season ng Asean Basketball League (ABL) na magsisimula sa Nobyembre 16.

Itinalaga ang 41-anyos na si Alapag, kilala bilang “Mighty Mouse” sa kanyang playing days sa PBA, bilang head coach ng Alab noong Agosto 2017 at pinamunuan ang Ray Parks-led team sa 2018 ABL championship sa paggiba sa Mono Vampires ng Thailand, 3-2, sa best-of-five series noong Abril 22-Mayo 2, 2018.

Inaasahang makakasama ni Alapag ang ilan sa kanyang mga manlalaro. Inimbitahan din sa 10 a.m. public service program na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association ang Mabalacat Clark Global City Tribes, ang pinakabagong miyembro sa paghataw ng CBA 2nd Season sa Oct. 27.

Mangunguna sa Team Mabalacat ay sina Cris Garbo at team officials Books Fabello at Michael Sumang. Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ang lahat ng mga opisyal at mga miyembro, maging ang mga kaibigan sa sports community na dumalo sa session na napapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page