2 motor nagsalpukan, MMDA dedbol

Isang miyembro ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nasawi habang tatlo ang sugatan matapos ang salpukan ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Binawian ng buhay sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Luis Abejar, 55, may asawa, miyembro ng MMDA, ng Bgy. 176. Ginagamot naman sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital Tala sina Annabelle Manahan, miyembro rin ng MMDA; Jemery Sison, 44, at Randelito Lesigues, 38, kapwa construction worker.
Sa nakarating na ulat kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-10:05 ng gabi, minamaneho ni Abejar ang Kawasaki motorcycle at angkas si Manahan habang tinatahak ang kahabaan ng Bgy. 176 mula sa Langit Road patungong Nomad Court.
Pagsapit sa kanto ng Grema St., Bgy. 176, nakasalpukan nito ang Suzuki motorcycle (NA 64279) na patungong Langit Road na minamaneho naman ni Lesigues na naging dahilan upang tumilapon ang mga ito.





Comments