top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

World class foreign coaches, huhubugin ang Sambo team

  • Gerard Arce
  • Oct 23, 2019
  • 1 min read

Dalawang world-class foreign coaches ang tatayong pangunahing gabay para sa Philippine Sambo National team bilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games na idaraos simula Nob. 30-Dis. 11 sa bansa.

Ang mga batikang Sambo instructors na sina Yasuhiro Tanaka ng Japan at multiple World at European champion Mikhail Martynov ng Russia ang napiling magbigay ng dagdag kaalaman sa advance na techniques sa pambansang koponan upang magamit ng mga ito sa biennial meet.

Ayon kay Pilipinas Sambo Federation Inc. secretary-general Paolo Tancontian, magiging masuwerte umano ang national athletes sa pagkakaroon ng mga mahuhusay at dekalidad na sambo experts na nagbibigay ng iba’t ibang techniques na magagamit para sa ika-uunlad ng mga laro.

Mauunang dumating sa bansa ang 2001 World champion, 1999 European titlist at Honorary Master of Sports ng Russia na si Martynov sa Biyernes (Oct. 25) upang magsagawa ng 2-day Sambo seminar sa UST.

Tatayo namang coach ng national team sa SEAG ang 52-anyos na si Professor Tanaka na kinokonsiderang isa sa mga mahuhusay na trainers sa mundo ng Sambo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page