Titser patay sa killer truck

Photo: Enihpesoj Gligligma
Dedo ang 39-anyos na public school teacher matapos magulungan ng trailer truck na bumangga sa motorsiklong sinasakyan ng biktima sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo si Elsa May Atega, titser ng Maypajo High School at residente ng Navotas City, habang nagtamo naman ng sugat ang kanyang kapwa guro na si Leo Cantilang, 31, ng Tondo, Manila na nagmaneho ng motor.
Nadakip naman ng mga tauhan Malabon Police Community Precinct (PCP) 3 ang driver ng10-wheeler truck na kinilalang si Jaynard Ibuyat, 32, ng Batasan Hills, Quezon City na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at damage to property.
Sa imbestigasyon, kapwa tinatahak ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng C-4 Road, Bgy. Longos, ala-1:30 ng hapon patungong Dagat-Dagatan Avenue nang kumabig pakaliwa ang trailer truck para iwasan ang pampasaherong jeep na huminto sa gitna ng kalsada upang magsakay ng pasahero sa harap ng isang mall at nahagip ang motorsiklong minamaneho ni Ibuyat.
Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon si Atega na nakaangkas sa motorsiklo hanggang sa magulungan ang kanyang ulo ng unahang bahagi ng trailer truck.





Comments