top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

TB, laganap din bukod sa polio, dengue at tigdas

Korina Sanchez
Oct 23, 2019
2 min read

Kabilang sa mga kinasuhan ng PNP-CIDG si dating PNP Chief Gen. Oscar Albayalde sa isinumiteng amended referral complaint sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa isyu ng ‘ninja cops’ o mga pulis na sangkot sa pagbebenta ng mga nakumpiskang ilegal na droga.

Paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang isinampang kaso laban sa dating PNP chief sa pagpapatuloy ng preliminary investigation.

Matatandaang, si Gen. Albayalde ang hepe sa Pampanga Police Office nang mangyari ang kontrobersiyal at kuwestiyunableng Pampanga operation noong 2013.

Pagsampa pa lang ito ng kaso, gaano naman kaya kabilis ang hukuman pagdating sa proseso ng hustisya?

Maraming kaso laban sa pulis na hanggang ngayon ay wala pang balita.

Sa kabilang banda, maganda ang ginagawa ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa para ayusin ang imahe ng Pambansang Kapulisan, pero magtatagal kaya siya sa pamumuno kung meron pang dalawang pangalan ang iminungkahi ni DILG Sec. Año kay Pangulong Rodrigo Duterte?

Sana, huwag nang madagdagan ang ganitong pangyayari sa hanay ng kapulisan. Sana, huli na ang kontrobersiya na kinasangkutan ni Gen. Albayalde.

◘◘◘

“When in doubt, TB.” Ito ang biro ng kaibigan nating doktor. Kumbaga, kapag hindi mo na alam kung ano ang sakit ng pasyente, malamang TB na ‘yan dahil laganap ito sa bansa.

Sa buong mundo, pang-apat ang Pilipinas sa may pinakamataas na insidente ng TB at ayon sa WHO (World Health Organization), hindi bumababa ang insidente nito sa bansa mula pa noong 2007.

Tila nagkaroon ng pagtaas ng insidente ng iba’t ibang sakit tulad ng dengue, tigdas at polio. Matagal nang laganap ang TB dahil sa mga karaniwang dahilan tulad ng pag-iwas sa pagtanggap ng bakuna. Hindi rin nakatutulong ang hindi pagpapakonsulta ng indibidwal na nakararanas ng ilang sintomas nito. At higit sa lahat, kulang din ang pondo ng DOH (Department of Health) para matukoy ang problema.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page