Pills na dapat inumin habang nagpapasuso
- Shane M. Ludovice, M.D
- Oct 23, 2019
- 1 min read
Dear Doc. Shane, Kapapanganak ko pa lang sa aking first baby at kasalukuyan din akong nagpapa-breastfeed. Ask ko lang kung puwede ba akong mag-take ng contraceptive pills, wala ba itong side-effect sa 3-months old kong baby? — Erika
Sagot Wala namang problema sa pag-inom ng contraceptive pills habang nagpapasuso, pero isa sa mga side-effect ng combined oral contraceptive pills tulad ng Althea at Diane ay nakababawas ng gatas kaya hindi ito ipinapayo sa mga nagbe-breastfeeding.

Kapag gusto mong ituloy ang breastfeeding, pero gusto mo ring mag-take ng contraceptives dahil hindi mo pa gustong mabuntis ulit, puwede mong subukan ang paggamit ng mga progestin-only pills o ‘mini-pills’ tulad ng Daphne, Exluton at iba pa. Puwede rin gumamit pansamantala ng condom. Gayunman, magpakonsulta sa iyong OB-Gyne para sa karagdagang gabay tungkol sa angkop na pills para sa’yo.




Comments