HADO Pilipinas finals: CSB vs. EAC para sa gold

Photo: abs-cbn
Idaraos na ang kampeonato ng kinababaliwang technosport sa bansa na HADO sa nalalapit na NCAA HADO Pilipinas Tournament Final Battle ngayong Biyernes (Oktubre 25), 6:30 pm.
Maghaharap ang De La Salle-College of Saint Benilde (CSB) Anigators at Emilio Aguinaldo College (EAC) Crim Pythons pagkatapos manalo sa kani-kanilang laban sa semifinals kontra San Beda University Red Merly at Arellano University Hansamu noong Biyernes (Oktubre 18) para umabot sa finals ng kauna-unahang HADO Pilipinas Championship na mapapanood sa ABS-CBN S+A at iWant.
Bukod sa korona, pagtatalunan din ng Anigators at ng Crim Pythons ang karapatan para maging kinatawan ng Pilipinas sa HADO World Championships sa Tokyo, Japan sa Disyembre.
Sa isang interview bago ang pagsabak sa Final 4, sabi ng Anigators, na binubuo nina Niccolo Perez, John Basoc, Jael Dango, Mika Lariosa, at Fiel Julo, sa tingin nila, inisip ng kanilang mga kalaban na hindi sila ang pinakamalakas na koponan sa torneo.
Ginamit nila ito para umabot sa Finals at magkaroon ng pagkakataon maging unang Pinoy HADO champions.





Comments