top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Habang nakikipaglaro sa mga apo.. Mag-asawa niratrat ng kapitbahay, todas

  • Jeff Tumbado / Levi Gonzales
  • Oct 23, 2019
  • 1 min read

Patay ang mag-asawa sa insidente ng pamamaril sa loob mismo ng kanilang bahay sa San Pablo City, Laguna.

Ayon kay Police Lt. Col Eliseo Bernales, nakikipaglaro ang mag-asawang sina Arthur at Evelyn Laydia sa kanilang mga apo sa loob ng kubo nang pasukin at pagbabarilin ng suspek na nakilalang si Edwin Brioso, kapitbahay ng mga biktima.

Unang pinaputukan ang mister na nakatakbo pa subalit, tinamaan din at agad namatay at isinunod si Evelyn na binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital. Hindi naman nasaktan ang tatlong apo ng mga biktima.

Nahuli na ng pulisya ang suspek na si Brioso at kinasuhan ng double murder.

Sa tindi ng galit umano ng suspek sa mga biktima ang dahilan ng krimen dahil palagi siya umanong minumura ng mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page