top of page

Sobrang paggalaw ng suso sa pakikipag-sex, sanhi ng paglabas ng mala-gatas na likido sa utong

  • Shane M. Ludovice, M.D
  • Oct 22, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane, Last month, na-diagnosed ang kapatid ko sa sakit na galactorrhea. Maaari ba ninyo itong talakayin? — Angela

Sagot Ang galactorrhea ay ang paglabas ng likido na parang gatas mula sa mga suso ng babaeng hindi naman nanganak o higit na sa isang taon pagkatapos manganak o tumigil na sa pagpapasuso ng bata. Minsan, nangyayari rin ito sa mga menopause, gayundin sa kalalakihan.

Ayon sa Mayo Clinic, maraming puwedeng dahilan kung bakit nagkakaroon ng galactorrhea, tulad ng mga sumusunod:

  • Paggamit ng cocaine o opioids

  • Herbal supplements tulad ng fennel, anise o fenugreek seed

  • Pills para hindi mabuntis

  • Tumor sa pituitary gland na naglalabas ng hormone na prolactin (prolactinoma) o ibang tumor sa pituitary

  • Thyroid gland na hindi gumagana (hypothyroidism)

  • Palyadong mga bato (chronic kidney disease)

  • Labis na paggalaw sa mga suso dahil sa pagtatalik at malimit na eksaminasyon ng mga suso na nagagalaw ang utong

  • Pagkasira ng mga ugat sa dibdib nang dahil sa operasyon sa dibdib; pagkapaso o pagkasunog ng balat sa dibdib at iba pang dahilan ng pagkasugat sa dibdib

  • Operasyon sa gulugod, tumor at iba pang pagkakapinsala sa gulugod

Tandaan, kapag may nakakapang bukol sa mga suso at may lumalabas na likido sa utong, makabubuti kung magpapakonsulta agad sa doktor nang sa gayun ay mabigyan ng karagdagang payo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page