Sigaw ng UP students.. Patayin si Duterte!

Nag-viral sa social media ang video ng mga estudyante sa University of the Philippines (UP) Visayas, kung saan binanggit ang, “Kill this President” sa performance ng grupong “Skimmers”.
Sa pahayag ng UP Visayas, taunang ginagawa ang naturang cheering competition. Ang tradisyon umanong ito ay kadalasang nagtataglay ng satirical commentaries at pagpuna sa mga national at local issues.
Sa nasabing performance, kabilang sa mga tinalakay na usapin ay press freedom, territorial issues, Rice Tariffication Law, pag-alis ng Filipino sa curriculum sa kolehiyo, ROTC, Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality at Divorce Bill.
Kaugnay nito, iginiit ng Malacañang na malaya umano ang sinuman na magbiro, partikular kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“It’s a free country; they can dish out jokes, criticisms,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Aniya, posibleng ginagaya lamang nila ang pagbibiro ng Pangulo.
Sa pagre-react naman o pagbatikos ng mga tagasuporta ng Pangulo sa nag-viral na cheering na ito, sinabi ni Panelo na “natural reaction” lamang ang pagdepensa ng mga ito kay Pangulong Duterte.
“Siyempre, natural lang iyon na mag-react siyempre; kasi siyempre ang dating sa kanila baka hindi sila nagbibiro, baka kunwari nagbibiro pero, talagang binabanatan nila si Presidente. That’s very natural reaction for supporters of the president,” paliwanag pa ng opisyal.
Muling sinabi ni Panelo na free country ang Pilipinas at lahat ay malayang magpahayag ng kanilang saloobin.





Comments