top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

7 timbog sa P1.5 Milyong shabu

  • Maeng Santos
  • Oct 22, 2019
  • 1 min read

Mahigit sa P1.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang menor-de-edad na nadakip sa magkakahiwalay na drug operation sa Caloocan City.

Sa nakarating na ulat kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa Bgy. 176, Bagong Silang na nagresulta sa pagkakaaresto kina Noe Esplanada at Jericho Buracan matapos bentahan ng shabu ang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 marked money.

Nadakma rin sina Jamel Modi alyas Charo, 17, at alyas Alicia, 16, na sinasabing umiiskor ng droga kay Esplanada.

Nakumpiska sa mga nadakip ang pitong sachets ng shabu na nasa P36,000 ang halaga at tatlong plastics ng shabu na tumitimbang sa 75 gramo na nasa P1,350,000 halaga at buy-bust money.

Alas-7:00 naman ng gabi nang madamba rin sa buy-bust operation ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Cabildo sa A. Mabini Avenue, Bgy. 33, si Hamdeni Lucman alyas Kuya, 25, ng Quiapo, Manila at narekober sa kanya ang 25 gramo ng shabu na nasa P90,000 ang halaga.

Timbog din si Junior Eusebio, 30, matapos makuhanan ng 10 sachets na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu makaraang inguso ng concerned citizen sa mga tauhan ng PCP-4 ang nagaganap na transaksiyon ng ilegal na droga sa Langit Road corner Ilang-Ilang St., Bgy. 188, alas-12:30 ng Lunes ng hatinggabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page