top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

12 fixers, tiklo.. Mga kasabwat sa LTO, next!

V. Reyes
Oct 22, 2019
1 min read

Tinutunton na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga tauhan nitong hinihinalang kasabwat ng mga fixer na nahuli sa inilunsad na operasyon, kahapon ng umaga.

Ayon kay LTO Law Enforcement Service Acting Director Atty. Clarence Guinto, handa umano ang ilan sa mga hinuling fixer na ituro ang kanilang kasabwat mula sa LTO.

Aabot sa 12 fixers sa LTO na nag-o-operate sa Bgy. Pinagkaisahan, Quezon City ang dinampot ng LTO at Quezon City Police District at iniharap sa media.

Ang isa sa kanilang mga biktima ay sinasabing siningil siya ng P3,000 para makapasa sa Professional Licensure Exam ng LTO.

Nahaharap ngayon ang 12 suspek sa mga kasong paglabag sa Anti Red Tape Law, Usurpation of Authority at QC Anti-Fixing Ordinance.

Apela naman ni Guinto sa publiko, iwasang makipagtransaksiyon sa mga fixer o sa sinumang nasa labas ng tanggapan ng LTO na nangangakong sila ay tutulungan na magkalisensiya kapalit ng malaking halaga.

Mabilis na aniya ngayon ang transaksiyon sa LTO at mas mura ang babayaran, kaya sa mga lehitimong counter lang lumapit para humingi ng assistance o gabay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page