Warrior Flame, wagi sa NPC-Pagcor benefit race

Binabati ang pamunuan ng National Press Club (NPC) sa kanilang matagumpay na pakarera ang NPC-benefit ang special race na ginanap sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite noong Sabado.
Sa Race 1 maganda ang nilabasan ng karera sa pagkakapanalo ng dehadong si Shining Courage makaraang talunin ang mga kalaban na Magnum Force na nagbigay ng dividendong P262 sa forecast. Nagbigay ng Dibidendo sa forecast ang pagkakapanalo ng Sande ng halagang P48.50 nang talunin ang pumangalawang You Never Know sa Race 2. Itinanghal na kampeon ang Doktora sa katatapos na 7th NPC-Philracom Benefit Race, makaraang talunin ang pumangalawang No Regret sa Race 3.
Banderang tapos ang Sky Plus nang talunin ang kalaban na Marino ng Tanglaw sa 7th. NPC-New San Jose Builder Inc. Special Race. Nagwagi ang Apollo of Aguila sa NPC Don Edong Diokno Special Race sa Race 5.
Sa Race 6 magandang laban ang nasaksihan ng Bayang Karerista sa kakapanalo ng Warrior Flame laban sa mga kalaban na Pax Britannica at The Catalyst sa NPC-Pagcor benefit.
Nagwagi ang Altas Glory sa Race 7 nang pangunahan ang NPC-Mr.Marlon Cunanan Special Race laban sa mga kalaban na Kentucky Rain at Apo. Nagwagi ang Beautiful Star laban sa Adorable Felicia sa NPC-Rep.Ronaldo Zamora Special Race sa Race 8 at nagwagi ng may 7 kabayo ang layo ng Simlong Rock sa NPC-Ping-Ping Lechon Special Race sa Race 9.





Comments