top of page
Pokwang.jpg

Vp Leni, gustung-gusto ng mga kano dahil madaling mauto

Bobi Tiglao
Oct 21, 2019
3 min read

Sa kasaysayan ng Pilipinas, sino ang masasabi nating pinakawalang kuwentang VP? Walang iba kundi ang natitirang pag-asa ng mga dilawan.

Kung ikukumpara siya sa mga nagdaang VP ng ating Republika, masasabi nating siya ang pinakawalang silbi dahil wala itong ibang ginawa kundi siraan ang imahe ng ating bansa sa mga mata ng mga dayuhan.

Bakit ito ginagawa ni VP Leni? Gusto nilang wasakin ang reputasyon ng kasalukuyang pangulo dahil ito lang ang alam na gimik ng dilawan para makaagaw sila ng kapangyarihan.

Maituturing din siya bilang VP na may pinakamahinang kukote. Nagtataka pa ba kayo kung bakit gusto siya ng mga Amerikano? Dahil madali nila itong nabobola tulad ng paggamit nila kay ex-P-Noy para isulong ang interes ng mga Amerikano sa Asya.

Ang VP noon ni ex-P-Noy ay si ex-VP Jojo Binay. Sabihin man nating sangkatutak na kaso ang ibinato sa kanya ng dilawan, nagpatuloy pa rin siya sa pagsisilbi bilang chairman of the Housing Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Habang VP siya, siya rin ang presidential adviser para sa mga OFW at hepe ng Task Force OFW na tumutulong sa mga manggagawang Pinoy na minaltrato at inabuso ng kanilang mga amo sa ibang bansa.

Eh, ang VP ng dilawan? Kaa-appoint pa lang niya sa HUDCC, lumarga na ito sa abroad. Sa halip na gawin ang trabaho sa housing na ibinigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte, inuna pa niya ang pamamasyal at pag-pose para sa cover ng mga magasin ng dilawan.

Nasipa tuloy siya sa puwesto sa HUDCC. Walang lugar sa administrasyong Duterte ang tamad na opisyal.

Ang layo ni ex-VP Binay sa kanya dahil sa kabila ng mga paninira ng dilawang media, hindi siya nagpapaapekto at patuloy lamang ito sa trabaho. Namasyal ba si ex-VP Binay sa abroad para siraan ang Pilipinas o ang pangulo noon na si ex-P-Noy? Hindi!

Nagpadala ba siya ng mensahe sa United Nations at ibang bansa para dungisan ang reputasyon ng boss ng dilawan? Hindi.

Malaking kabaligtaran ang kasalukuyang VP. Wala itong konsensiya, tila handa itong wasakin ang kinabukasan ng Pilipinas para lamang maisulong ang agenda ng dilawan na “power grab”.

Matatandaang, nagpadala ng video message si VP Leni sa 60th meeting ng The UN Commission on Narcotic Drugs para lamang maipagkalat ang kanyang mga kasinungalingan.

Kesyo marami na raw napapatay ang gobyerno, alam na ninyo, ‘yung linya ng dilawan tungkol sa EJK. Estilong bulok ito ng dilawan — ang magpaawa sa mga banyaga para paniwalaan sila.

Sa totoo lang, nakakasuka ang ginawa niya. Isipin ninyo, sa harap ng ibang nasyunalidad, sasabihin niyang masama ang kanyang bansa, ang gobyerno at mga opisyal nito.

Kung siya ay walang bilib sa gobyerno ng Pilipinas, bakit tumatanggap pa rin siya ng suweldo mula rito? Nakakaya mong banatan ang institusyong nagbigay sa‘yo ng posisyon at oportunidad, gayundin, kada buwan ay binibigyan ka nito ng malaking pera (pambili ng make-up at magarang damit para makapag-pose na parang model)?

Aba, madam, kung naaasar ka sa gobyerno, mag-resign ka na lang! Sayang lang ang perang ipinasusuweldo sa‘yo ng mamamayan. Hindi namin kailangan ng traydor sa gobyerno.

Alam ba ninyong bilyones ang ibinigay ng taumbayan sa opisina niya mula noong Hulyo 2016?

Isipin ninyo, nakatatanggap siya ng bilyones na mula sa buwis ng taumbayan na hindi naman niya pinagsisilbihan!

At saan gagamitin ni madam ang kanyang pondo? Pambiyahe sa ibang bansa — sa U.S. at Europa para ipagkalat ang kanyang mga kasinungalingan laban sa administrasyong Duterte. Tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page