Pinagpipiliang ipalit kay Gen. Albayalde sa PNP: Isa, bading daw na may kasong sexual abuse; isa, na
- Ka Ambo
- Oct 21, 2019
- 1 min read
Inosente raw si ex-PNP Chief Oscar Albayalde hangga’t hindi pa napapatunayang guilty.
Siyempre, anubayannn!
◘◘◘
AMININ man o hindi, nasira na nang tuluyan ang pangalan ni Gen. Albayalde at nadamay dito ang kanyang institusyong minamahal.
Nasagip sana ito kung maaga siyang nagbitiw!
◘◘◘
NGAYON, may tatlo raw heneral na pinagpipiliang papalit sa kanya.
Ang problema, dalawa sa tatlong heneral ay iniintriga na rin ng media!
◘◘◘
IBINUNYAG ng dalawang kilalang brodkaster na isa sa mga aspiranteng heneral ay meron daw history ng pagpapakawala ng drug suspects kapalit ang malaking halaga ng pera.
Huh, iimbestigahan din kaya ‘yan ng Senado?
◘◘◘
NAGANAP ang alingasngas nang umaktong hepe ang naturang heneral sa police station sa isang siyudad sa Metro Manila.
Nakupo, talagang makukunsumi si P-Digong!
◘◘◘
ANG isa pang aspiranteng heneral ay “closet”, as in, “binabae” raw.
Namputsa, kaya pala nahihirapang pumili si P-Digong, baka masadlak sa isa pang bulok?
◘◘◘
May record ng pang-aabusong seksuwal ang heneral sa plebo nang siya ang upper-class habang nasa akademya pa sila.
Nagpapaalala lang naman ang dalawang brodkaster kasi sa kapipili ni P-Digong, baka sa “bungi” siya masilat?
◘◘◘
HINIHILING ng ilang grupo na magkusa na lang ang dalawang heneral na magbitiw sa pagiging aspirante.
Gawin kaya nila ‘yan o maghihintay sila ng “tsamba” o “jackpot”?
◘◘◘
MAS mainam din na makinig si P-Digong sa itinitibok ng puso ng mamamayang mulat sa performance ng mga aspirante.
Kapag sumalungat siya sa “popular choice”, maaaring pagdudahan na rin siya ng mga dating umiidolo sa kanya.
Nagpapaalala lang naman!





Comments