top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Money changer, pawnshop at 2 jewelry shops, nilimas.. Mall pinasok ng martilyo gang, 4 todas

Jeff Tumbado
Oct 21, 2019
2 min read

Utas ang apat sa walong miyembro ng Martilyo Gang nang agawan ng mga ito ng baril ang ilang mga pulis na umaresto sa kanila ilang sandaling isagawa ang panghoholdap sa isang mall sa Mandaue City sa Cebu, kamakalawa ng gabi.

Pawang dead-on-the-spot ang mga suspek na sina Kevin Andales, Wilfredo Enguito, Philip Taborada at Glen Tairos habang arestado naman ang apat pa sa kanilang mga kasamahan na sina Roel Sumingit, 35; Jun Candelaria, 38; Julivy Quirante, 43, at Arnel Cimafranca, 38.

Una nang nasakote sa isinagawang pagtugis sa follow-up operation ng pinagsamang puwersa ng Mandaue City Police, Bogo City Police at mga operatiba mula sa Regional Special Operations Task Group-Central Visayas (RSOG-7) ang mga suspek habang papatakas sa pamamagitan ng pagsakay sa barko sa Pulambato Port sa Bogo City pasado alas-11:00 ng gabi ng Sabado.

Ayon kay Police Col. Jonathan Abella, bago ang operasyon ay pinasok muna ng mga suspek na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang J Centre Mall sa Bgy. Bakilid sa Mandaue City bandang alas-8:00 ng gabi kung saan hinoldap ng mga ito ang dalawang jewelry shops, isang pawnshop at money changer.

Tumagal ng sampung minuto ang panghoholdap bago nagsitakas ang mga suspek gamit ang isang Toyota Innova at tatlong motorsiklo patungo sa pantalan.

Ipinaalarma ni Col. Abella ang insidente at mga ginamit na getaway vehicles ng mga suspek sa iba’t ibang himpilan ng pulisya hanggang sa ma-intercept ang mga ito sa naturang pantalan.

Nasamsam ng pulisya mula sa mga suspek ang ilang baril, cellphones, daang libong pisong cash, mga kagamitan at ilang mga damit na pamalit sa ginawang pagtakas.

Subalit, habang dinadala sa Bogo City Police Station ang mga suspek sakay sa police patrol car ay nagawa pa umanong mang-agaw ng baril ang apat sa kanila dahilan para paputukan ng kanilang mga police escorts.

Nabatid kay Col. Abella na patuloy pa nilang tinutugis ang dalawa pang kasamahan ng mga suspek na may dala sa mga ninakaw na alahas na may malaking halaga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page