Mga barangay workers, pasok din.. Suweldo sa tserman at kagawad, kasado na
- Mylene Alfonso
- Oct 21, 2019
- 1 min read

Isinulong na ang panukalang-batas na magbibigay ng suweldo at benepisyo sa mga barangay officials sa bansa.
Ayon kay Sen. Christopher ‘Bong’ Go, allowance lamang ang tinatanggap ng mga barangay officials at walang regular na sahod sa kabila na sila ang ‘first responders’ kapag may kaganapan sa kanilang lugar.
Kaya inihain ang Senate Bill No.391 o Barangay Service Compensation Act na layong bigyan ng suweldo at benepisyo ang mga barangay officials. Mabibigyan din ng hazard pay at iba pang allowance ang mga barangay workers dahil sa uri ng kanilang trabaho na tagapagpatupad ng batas sa kani-kanilang nasasakupan.
Samantala, isang kahalintulad na panukalang-batas na rin ang inihain sa Kamara ng ACT-CIS Partylist na may parehong layunin na bigyan ng sahod at benepisyo ang mga manggagawa sa barangay.





Comments