top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

High blood, minsan may sintomas, minsan wala

Shane M. Ludovice, M.D
Oct 21, 2019
1 min read

Dear Doc. Shane, Ako ay 56 years old at sa awa ng Diyos, wala akong nararamdamang sakit sa katawan. Pero ang nakapagtataka, nang kinuha ang BP ko, saka ko nalamang mataas pala ang aking presyon na 150/90. Inulit ito kinabukasan, pero mataas pa rin na 155/90. Puwede bang maging high blood ang tao kahit wala naman itong nararamdamang anumang sintomas? — Salvador

Sagot Mayroong ilang kaso kung saan high blood ang pasyente, pero wala siyang anumang nararamdamang sintomas kaya kailangang ma-monitor o regular na nagpapakuha ng BP ang pasyente, partikular ang mga nagkakaedad.

Narito ang ilan sa mga sintomas na nararanasan ng mga high blood:

  • Pagsakit ng ulo o batok

  • Madalas makaramdam ng pagod

  • Pagkahilo

  • Kung apektado ang puso, puwedeng makaramdan ng kabigatan sa dibdib

Narito ang ilan sa mga dapat gawin upang mapigilan ang paglala ng high blood:

  • Iwasan ang matataba at maaalat na pagkain

  • Kumain ng madadahong gulay (green leafy vegetables) at prutas

  • Sikaping magkaroon ng sapat na tulog

  • Iwasan ang mga nakaka-stress na bagay

  • Ugaliing magkaroon ng regular na ehersisyo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page