Dating Senate Pres. ‘Nene’ Pimentel, pumanaw sa edad 85

Sa edad na 85, sumakabilang-buhay na ang dating Senate President na si Aquilino ‘Nene’ Pimentel, Jr., alas-5:00 ng madaling-araw, kahapon.
Ito ay ayon sa tweet ng kanyang anak na si Senador Koko Pimentel.
Matatandaang, noong Oktubre 14 ay nailagay sa intensive care unit ang dating senador sa hindi batid na sakit.
Nagsilbi bilang Senate President si Pimentel noong 2000 hanggang 2001.
Siya rin ay naging majority at minority leader sa Senado.
Ilan sa mga naging ambag ni Pimentel ang Local Government Code of 1991, Cooperative Code, Philippine Sports Commission Act, Act Creating the Autonomous Region in Muslim Mindanao at People’s Small-Scale Mining Act.





Comments