top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

40 PTS ni Prado bida sa Lady Falcons; Villamor sa Ateneo

  • VA
  • Oct 21, 2019
  • 2 min read

Umiskor ng kanyang career-high na 40 puntos si Mar Prado upang pamunuan ang Adamson sa 83-50 paggapi sa University of the Philippines kahapon sa UAAP Season 82 Women’s Basketball Tournament sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagtala ng 17-of-36 field goal shooting ang 4th year gunner upang maging pang-4 na manlalarong humanay sa 40-point club kasunod nina Raiza Palmera (44 puntos), Allana Lim (45) at Ria Nabalan (40). “Yung goal namin, na-hit niya,” wika ni Lady Falcons coach Ewon Arayi sa naging scoring performance ni Prado.

Maliban sa 40 puntos, mayroon din si Prado na 9 na rebounds, 6 na assists, 4 na steals at isang block kahit nagtamo ito ng sprained ankle bago pa man magsimula ang laban. Nagtapos na topscorer si Rei Sanchez para sa UP na nalaglag sa 1-10 na marka sa itinala nitong 13 puntos, 4 rebounds at 2 assists. Sa unang laro, pinadapa ng Ateneo de Manila ang University of the East, 81-70 sa overtime.

Isinalansan ni Alyssa Villamor ang 6 sa kanyang 13 puntos sa extension upang pangunahan ang Lady Eagles sa pagputol ng kanilang 4-game losing skid.

Nanguna si Hazelle Yam sa nasabing panalo ng Ateneo sa ipinoste niyang 19 puntos, 8 rebounds, 5 assists, 5 steals at isang block kasunod si Pam Payac na may 15 puntos, 3 rebounds at 2 assists off the bench.

Bunga nito, tumaas sa markang 4-8 ang Lady Eagles ngunit hindi na rin sila makahahabol pa sa Final 4 race dahil ‘di na sila aabot ng pitong panalo dahil dalawang laro na lang ang natitira nilang laro sa elimination. Nanatiling nasa cellar ng standings ang UE sa pagbaba nila sa markang 1-11, panalo-talo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page