Traffic enforcers, kesa ayusin ang trapik, todo-hintay ng mahuhuli
- Pabs Hernandez III
- Oct 20, 2019
- 2 min read
IMBES NA MAGMANDO NG TRAPIK, MAG-ABANG NG HUHULIHIN ANG INAATUPAG NG MGA TRAFFIC ENFORCER — Kung tututok lang sa pagmamando ng trapik ang libu-libong traffic enforcers ng MMDA at LGUs (local government units) at no contact apprehension ang ipaiiral na ibig sabihin ay hindi na sila manghuhuli ng mga traffic violator kung saan ipadadala na lang sa bahay ng mga motorista ang ticket sa paglabag nila sa batas-trapiko, base sa nakita sa CCTV, siguradong malaki ang maitutulong nito para maibsan ang traffic problem sa Metro Manila, lalo na sa EDSA.
Ang problema kasi imbes na magmando sa trapik, ang inaatupag ng karamihan sa mga traffic enforcer ay maghanap at mag-abang ng huhulihin, mga buwisit!
◘◘◘
“PROBINSYANO AKO PARTYLIST”, HINDI PAMPROBINSIYANONG MANGGAGAWA KUNDI PANGNEGOSYANTE PALA — Nagpanukala si “Probinsyano Ako Partylist” Rep. Jose Singson, Jr. na pahabain ang probationary period ng mga manggagawa na mula sa dating anim na buwan, gawin na itong 24 buwan o dalawang taon pa ang hihintayin ng mga manggagawa bago sila maregular sa trabaho.
Ang dapat palang pangalan ng partylist ni Singson ay “Negosyante Ako” at hindi “Probinsyano Ako” kasi mas pabor sa mga negosyante kesa sa mga manggagawang probinsiyano ang ipinanunukala niya, period!
◘◘◘
“PROBINSYANO AKO PARTYLIST”, TAGILID SA 2022 ELECTIONS — Sa panukala ni Singson, kaliwa’t kanang batikos ang inabot niya sa publiko kasi imbes suportahan niya ang Security of Tenure Bill na magwawakas sa endo (end of contract), aba, pinahaba pa niya ang probationary period ng mga manggagawa.
Sa sobrang dami ng nagalit sa panukalang ‘yan ni Singson, huwag na siyang umasang mananalo ulit ang kanyang partylist sa 2022 elections, boom!
◘◘◘
BAKA ULANIN NG KASONG MURDER SI ESPENIDO — “Go there, you are free to kill everybody,” ito ang utos ni P-Duterte kay P/Col. Jovie Espenido, matapos niya itong italaga sa Bacolod City dahil sa isyu ng lumalalang ilegal na droga sa lungsod.
Naku, malamang ulanin ng kasong murder si Espenido kasi baka sa kanya ibintang lahat ng pagpatay na magaganap sa Bacolod, abangan!




Comments