Pag-aalis ng ban sa pork products, bahala ang DA — Palasyo

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Department Agriculture (DA) ang pagpapasya sa hiling ng Department of Interior and Local Government na alisin na ang ban sa pork products.
Unang inihayag ni DILG Secretary Eduardo Año na dapat nang payagan ng mga LGU ang distribusyon at pagbebenta ng processed pork products upang maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa trade and commerce sa Pilipinas.
Iginiit din ni Año, na may mga hakbang naman nang ginagawa ang pamahalaan upang ma-contain ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Maaari naman umanong payagan ang pagbebenta nito alinsunod sa mga itatakdang kondisyon. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, si Agriculture Sec. Willam Dar ang dapat na magdesisyon dito dahil teritoryo niya ang naturang usapin. “Siguro, dapat ang mag-decide doon, secretary of Agriculture. ‘Hindi na siya ‘yung… teritoryo niya. Baka suggestion lang naman iyon kay DILG Secretary,” ani Panelo.
Dagdag pa ng Kalihim, mas mainam na mag-usap sina Año at Dar upang maayos na mapag-usapan kung ano ang magandang solusyon hinggil sa isyu ng ASF.





Comments