Nakahanda ang Pinoy Tokyo 2020 qualifiers
- MC
- Oct 20, 2019
- 1 min read

Matapos ang nakabibilib na tagumpay ng Philippine national athletes kamakailan, naniniwala si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William I. Ramirez na maganda itong senyales na matatapos na ang 95-taon na pagkagutom sa gold medal ng bansa sa Summer Olympic Games, ang prestihiyosong Multisport event na nangyayari lamang tuwing ika-4 na taon.
Umaasa nang husto si Ramirez sa kakayahan ng 19-anyos na gymnast na Carlos Edriel Yulo na taga-Leveriza, Manila. Nakapagtala si Yulo sa kasaysayan nang maging unang Pinoy gymnastic na nagwagi ng gold medal sa men’s floor exercise event sa 49th FIG World Artistic Gymnastics Championships na idinaos sa Stuttgart, Germany noong Okt. 12.
Apat na araw bago iyan, nakatiyak na si Yulo ng slot sa 2020 Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan makaraang malagay sa 7th sa men’s floor exercise final at rank no. 18 sa halos 160 gymnasts sa men’s individual all-around.





Comments