Mga pinoy, yes lang nang yes, wa' naman choice kundi magbayad ng tax
- Ka Ambo
- Oct 20, 2019
- 1 min read
Sunud-sunod ang lindol sa Mindanao.
Babala ba ito sa “The Big One”?
◘◘◘
TUMAAS ang presyo ng manok.
As expected!
◘◘◘
HINDI pa rin ipinagbabawal ang pagbebenta ng baboy kahit kalat na ang African Swine Fever (ASF).
Siyempre, merong bumibili!
◘◘◘
HINDI ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni ex-Sen. “Bongbong” laban kay VP Leni.
Pwes, malinaw na nakaiskor siya sa unang round!
◘◘◘
MALAWAK ang protesta sa Lebanon dahil sa dagdag-buwis.
Malaking gulo ‘yan!
◘◘◘
MABAIT ang mga Pinoy kasi kahit gaano kalaki ang kanilang buwis, ‘yes’ lang sila nang ‘yes’.
Maraming datung ang mga Pinoy!
◘◘◘
BUMABAGSAK ang ekonomiya ng China.
Karaniwang senyales ‘yan ng digmaan!
◘◘◘
MAY malaki ring problema ang NBA (National Basketball Association).
Malabo na itong mapanood sa ‘Pinas!
◘◘◘
UMAASA ang Pilipinas na makasusungkit ng kauna-unahang Olympic gold sa Tokyo, next year.
Sana nga!
◘◘◘
MAGTATAYO ng parmasyutika ang India sa Pilipinas.
Hindi kaya ipautang din ito sa mga Pinoy?
◘◘◘
HINDI matapus-tapos ang away ng magkakapatid na Barretto.
Bigyan ng telenobela ‘yan!
◘◘◘
NALULUGI na ang mga softdrinks, juices, alcohol at cigarettes industry.
Isang dahilan din ‘yan sa pagbagal ng ekonomiya!





Comments