Basilan St. Clare, itutuloy ang good image sa D-League
- MC
- Oct 20, 2019
- 1 min read

Pagdating sa basketball, may pinatunayan ang Basilan St. Clare matapos magkampeon sa PBA D-League at Chooks-to-Go 3x3. Itutuloy ng tropa ang kanilang ipinakitang kampeonato at umaasa si Basilan team manager Jackson Chua na sa susunod na mga torneo ay iibayo pa ang team.
“This is really what we hope to achieve when the team started participating in sports, especially basketball. As a team, we will continue to do our share to create a good image for Basilan,” pahayag ni Chua sa 44th Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) noong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila. Naangkin ng Basilan-St. Clare College ang kampeonato sa PBA D-League Foundation Cup matapos payukuin ang Marinerong Pilipino sa pamamagitan ng 2-1 desisyon sa best-of-three championship series.
“It’s a winning combination — Basilan and St. Clare. We’re a young team. We have the energy, the speed, the quickness against them. Talagang gustong manalo ng mga bata. I think yun ang strength namin in the series,” ani Saints head coach Steve Tiu.
Para kay coach Jimmy Manansala, ang tagumpay ay produkto ng pagsisikap ng buong koponan.
Yun time management namin mahirap talaga dahil nag-aaral pa ‘yung mga ibang players at naglalaro sa NAASCU where we are also in the finals,” ani Manansala na dating PBA Rookie of the Year.





Comments