Suspek, kasama sa kotse.. Australian at pinay niratrat, todas

Dedbol ang Australian national at isang Pinay matapos silang pagbabarilin ng kanilang kasamahan na sakay din sa kotse sa Lungsod ng Olongapo, kahapon.
Naganap ang insidente pasado alas-10:00 ng umaga sa Ulo ng Apo sa Rizal Ave., Bgy. West Bajac-Bajac.
Kinilala ang mga napatay na biktima na sina Anthony George Wilson, 61, Australian national at Pinay na si Mila Bailey, 41.
Samantala, sugatan naman ang isa pa nilang kasamang dayuhan na si Wayne Bailey, 71, na siyang drayber nila.
Kasama rin ng mga biktima sa sasakyan ang lumilitaw na utak sa pamamaril na isa rin umanong dayuhan.
Nakita umano ang suspek na lumabas sa sasakyan sa kuha ng CCTV sa lugar.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Michael McLaren, na naaresto sa dragnet operation.
Napag-alamang nakaligtas ang dalawang taong gulang na lalaki na anak ng mga biktima at kasalukuyang ikinostudiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Patuloy ang imbestigasyon sa krimen upang matukoy ang motibo sa pamamaril.





Comments