P-Digong matagal nang gumagamit ng air purifier — Palasyo

Photo: Presidential Photo
Iginiit ng Malacañang na matagal na umanong isinusuot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pocket air purifier upang protektahan ang kanyang sarili kontra sipon.
Naobserbahan kasi kahapon ng Malacañang Press Corps ang naturang white gadget na nakakuwintas sa pangulo sa isinagawang welcome ceremony sa Palasyo kay Indian President Ram Nath Kovind.
Matatandaang, sa mga nakaraang public events ng Punong Ehekutibo nakita na rin na suot niya ang nabanggit na air purifier.
Kabilang dito ang 42nd Cabinet Meeting noong October 11, military-police command conference noong October 15 at ang pagpapasinaya sa coal power plant noong October 16.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, layunin ng naturang device na protektahan ang pangulo laban sa mga tao na may ubo’t sipon.





Comments