P-Digong, lalong babagsak ang rating 'pag taga-Davao ang ipinalit kay Albayalde sa PNP
Idiniin ng Senado si ex-PNP Chief Gen. Oscar Albayalde.
Wala lang, ganu’n lang!
◘◘◘
MARAMI ang nababahala na may “Davao factor” ang maitatalagang bagong hepe ng PNP.
Malaking demoralisasyon ‘yan sa hanay ng pulisya!
◘◘◘
KAPAG taga-Davao ang itinalagang PNP chief, lalong babagsak ang approval rating ni P-Digong.
Hindi puwedeng isupalpal sa buong bansa ang “Davao, Davao, Davao”!
◘◘◘
SANGKATUTAK na taga-Davao ang itinalaga bilang matataas na opisyal ng gobyerno, pero sandamakmak pa rin ang korupsiyon.
Hindi “anghel” ang mga taga-Davao, ordinaryong tao lang din ang mga ‘yan!
◘◘◘
SUNUD-SUNOD ang lindol sa Mindanao.
May ipinahihiwatig ba ang kalikasan?
◘◘◘
PUMAGITNA si U.S. President Donald Trump sa Syria-Turkey war.
Mainam naman!
◘◘◘
ININTRIGA ang lamay ng ama ng magkakapatid na Barretto.
‘Yan ang nakakalungkot!
◘◘◘
INABISO na ang water crisis.
Pukawnamooo!
◘◘◘
ISINULONG ang 2-year probationary period bago maging regular ang mga obrero.
Tamaan sana kayo ng kidlat!





Comments