top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Narco-politicians sa Bacolod, kabado nang matulad sa mga Mayor na na-tokhang

  • Pabs Hernandez III
  • Oct 19, 2019
  • 2 min read

MGA ‘NARCO-POLITICIANS SA BACOLOD, KAKABA-KABA NA KAY ESPENIDO—Para kay P-Duterte, malala na ang problema ng ilegal na droga sa Bacolod City at dahil d’yan, inatasan niya ang liderato ng PNP na italaga sa lungsod ang kontrobersiyal na police officer na si Col. Jovie Espenido.

Ngayong nasa Bacolod na si Espenido, tiyak na kakaba-kaba na ang mga “narco-politicians” sa lungsod kasi baka matulad sila kina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. at Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog na kapwa “nanlaban” daw kaya napatay ng mga parak, boom!

◘◘◘

MABUTI PA SI SEN. IMEE, MAY MALASAKIT SA MGA MAGSASAKA; ‘YUNG IBANG SENADOR, WALANG PAKIALAM—Nanawagan si Sen. Imee Marcos kay P-Duterte na pansamantalang itigil ang importasyon ng bigas dahil sobrang naghihikahos na ang pamumuhay ng mga magsasaka dahil ang mga rice traders ay mas nakatutok na sa pag-aangkat ng bigas kaysa bilhin ang aning palay ng mga lokal na magsasaka.

Mabuti pa si Sen. Imee, may malasakit sa mga magsasaka, pero ang ibang senador, walang pakialam kung maghirap man ang mga ito sa isinabatas na Rice Tariffication Law, period!

◘◘◘

TERM SHARING NINA SPEAKER CAYETANO AT CONG. VELASCO, HINDI NA MATUTULOY?—Nang tanungin ng media si Speaker Alan Peter Cayetano sa umuugong na isyung hindi na matutuloy ang term sharing nila sa Speakership ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at tatapusin na niya hanggang June 2022 ang kanyang termino, ang sabi niya (Cayetano) ay si P-Duterte raw ang magdedesisyon sa isyung ito.

Sa tono ng sagot ni Speaker Cayetano, parang ayaw na niyang umalis sa poder kasi si P-Duterte na ang inginunguso niyang magdesisyon sa kapalaran ni Cong. Velasco, boom!

◘◘◘

VK NI “RICO” SA LAGUNA AT BATANGAS, UMARANGKADA NA—Hindi lang daw sa Calamba City, Laguna umarangkada ang pa-video karera ni “Rico” kundi pati raw sa Batangas City at Lemery, Batangas.

Tingnan natin kung kayang “ipatokhang” ni PNP-OIC Gen. Archie Gamboa si “Rico”, abangan

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page