top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Last Berth sa Final 4 kinuha ng Golden Stags

  • A. Servinio
  • Oct 19, 2019
  • 1 min read

Hindi nag-aksaya ng panahon sina Allyn Bulanadi at San Sebastian College at agad nilang kinuha ang ika-apat at huling pwesto sa Final Four ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Bumuhos ng 44 puntos si Bulanadi upang pabagsakin ng Stags ang University of Perpetual Help System-Dalta, 99-94, Biyernes ng hapon sa FilOil Flying V Centre.

Dahil dito, umangat ang Stags sa 10-8 at nawalan ng saysay ang sumunod na nakatakdang laro sa pagitan ng Mapua University at College of Saint Benilde.

Umaasa sana ang Cardinals na matalo ang San Sebastian at talunin nila ang Blazers upang tumabla at magtakda ng playoff para sa huling pwesto.

Hindi nagtrabaho mag-isa si Bulanadi at nakakuha siya ng maraming tulong sa mga kakampi tulad nina RK Ilagan na sumunod na may 22 puntos at Aljohn Capobres na may 10.

Ang 44 ni Bulanadi ang pinakamataas na puntos ng isang manlalaro sa taong ito subalit malayo pa rin ito sa 55 na ginawa ng alamat na si Lim Eng Beng para sa dating kasaping De La Salle College noong Dekada ‘70..

Kahit tanggal na sila sa eksena para sa Final Four, tinapos pa rin ng Blazers ang kanilang kampanya ng positibo at tinalo ang Cardinals, 68-62.

Nanguna para sa CSB si Yankie Haruna na may 13 puntos at nag-ambag ng tig-walong puntos sina Clement Leutcheu, Carlo Young, Justin Gutang at Unique Naboa para sa isang balanseng atake.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page