top of page
Pokwang.jpg

Lanterns at Cebu, pumalag sa MPBL; Pacman, may pabuya vs. game fixers

MC
Oct 19, 2019
2 min read

Pinatahimik ng Pampanga Giant Lanterns ang Bacoor Strikers sa huling 4 na minuto at tuluyang manaig, 76-69, sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season noong Huwebes ng gabi St. La Salle Coliseum sa Bacolod City.

Napako lang ang Strikers sa 69 nang makapanalasa ang Lanters ng 7 pang diretsong puntos at pigilan ang two-game slide at umangat sa 11-7 sa North Division ng 31-team field. Humahabol ang Strikers sa 23-40 ng second quarter bago nagawang makadikit sa 63-62 pero nanatiling nasa -2nd spot spot ng South Division, 15-4.

Mabigat na laro ang ipinamalas ng maliit na si Mark Cruz para sa Giant Lanterns, nagpaulan ng 16 puntos, 5 assists at 4 rebounds para maging best player. Sa iba pang laro, sinagpang ng Cebu City Sharks ang Bacolod Master’s Sardines sa 85-80 victory. Ikatlong diretsong pagkatalo ito ng Bacolodnons at lagpak sa 6-11.

Samantala, may pabuya na iniaalok si MPBL founder Manny Pacquiao sa sinumang mahuhuling nanunuhol sa league officials para sa game-fixing. “ ‘Pag may mag-try na magsuhol, isumbong kaagad nila. Magbibigay kaagad naman ako ng pabuya,” saad ni Pacquiao sa panayam ng “Gametime” noong Huwebes.May mga naririnig na raw kasing umiikot na game fixers sa naturang liga si Pacquiao kaya naman nagpalabas sila ng memo na ipagbabawal ang players at officials na gumamit ng cellphones habang may laro. “Bawal gumamit ng cellphones, kundi may fine at technical,” saad ni Pacquiao.

Ikinatuwa naman ng Senador at world champion boxer sa naging resulta ng pagdaraos ng MPBL games sa Dubai. “Ngayon hindi lang Dubai, may mga ibang lugar na rin na nagre-request like Qatar and Oman,” saad ni Pacquiao at aniya hindi pa niya naiisip ang mag-boksing dahil pahinga raw muna siya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page