Durham, switch ng Bolts, kinuryente ang Elite
- ATD
- Oct 19, 2019
- 1 min read

Sinandalan ng Meralco Bolts si import Allen Durham upang itarak ang 106-97 panalo laban sa Blackwater Elite sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Ynares Center, Antipolo.Kumayod si Durham ng 27 points, 13 rebounds at pitong assists habang bumakas si Raymond Almazan ng 19 puntos at 10 rebounds para sa Bolts.Nanguryente agad ang Bolts sa unang dalawang periods. Hawak nila ang 6-point leads, 56-50 sa halftime.
Sinabayan ng Meralco ang Elite sa third quarter upang manatili sa kanila ang bentahe, 80-74 papasok ng 4th.
Nagpatuloy ang mainit na laro ng Meralco sa payoff period upang masilo ang pang-apat na panalo sa anim na salang. Nagtala rin ng 17 markers si Baser Amer para sa Meralco. Samantala, sisikapin ng Barangay Ginebra Gin Kings na sikwatin ang unang back-to-back wins pagharap nila sa Magnolia Hotshots sa ala-6:45 ng gabi sa Araneta Coliseum.
Muling sasandalan ng crowd favorite Gin Kings si reinforcement Justin Brownlee para siluhin ang pangatlong panalo sa limang salang.
Inaasahang huhugot din ng puwersa si Ginebra head coach Tim Cone sa mga malulupit niyang locals na sina Stanley Pringle, LA Tenorio at Scotie Thompson. Tinalo ng Gin Kings noong Linggo ang sister team nilang San Miguel Beer,129-124, kumayod si Brownlee ng triple-double na 28 points, 14 rebounds at 14 assists.
Galing naman sa talo ang Hotshots, yumuko sila sa Blackwater Elite, 89-95. Tangan ng Pambansang Manok Magnolia ang 3-3 card. Magtatapat sa unang laro ng 4:30 p.m. ang Columbian Dyip at San Miguel Beer.





Comments