top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Amateur boxer Pamisa silver medalist sa ASBC

  • Gerard Arce
  • Oct 19, 2019
  • 1 min read

Isang panibagong karangalan ang dinala ng isang amateur boxer sa bansa sa katauhan ni junior bet Elijay Pamisa nang kunin nito ang silver medal sa katatapos lang na ASBC Asian Juniors Boxing Championships sa Al Fujaira sa United Arab Emirates.

Kinapos lang ng bahagya ang 15-anyos na top junior bet ng bansa nang yumukod kay Vishvanath Suresh ng India sa iskor na 2-3 sa Pin weight category championship round. Napunta ang bronze medal kina Kudaltov Ikboljov ng Uzbekistan at Thanakom Aonyaem ng Thailand.

Nagawang ipamalas ng Xavier University-Ateneo de Cagayan boxer ang pambihirang estilo sa laro simula elimination round nang talunin nito ang best boxer ng Kazakhstan na si Nurkhan Zhylkybay. Sunod na ginapi ni Pamisa si Hsu Po-Hao ng Chinese Taipei sa quarterfinals, 4-1, habang dinomina niya si Thai bet Aonyaem sa iskor na 5-0 sa semifinal round ng boy’s -46kgs category na nilahukan ng 16 manlalaro. “Salamat sa Panginoon na kahit ‘di ko nakuha ang gintong medalya naging maayos naman ako (at kami) dahil walang masamang nangyari sa taas ng ring. Kulang pa talaga. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng suporta n’yo,” pahayag ni Pamisa sa FB post nito.

Hindi pinalad ang tatlo pang kasamahan ni Pamisa na sumabak sa record-breaking event, kung saan 239 na boksingero kabilang ang 170 kalalakihan at 69 kababaihan mula sa 26 bansa ang lumahok sa prestihiyosong torneo. Nalaglag sa quarterfinals si Dave Asi Laurejas sa Boy’s bantamweight (54kgs) ng talunin ni Nursultan Altynbek ng Kazakhstan, 0-5. Natalo rin sa kanyang laban si Jericho Acaylar (50kgs) kay Anuar Boltabaev ng Uzbekistan, habang nasayang naman ang magandang posisyon ni Jimler Cubay ng hindi makalusot boys 52kgs category.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page