St. Clare Caloocan, nakauna sa best-of-3 NAASCU finals

Ibinuhos ng defending champion Saint Clare College of Caloocan ang huling 17 puntos upang pabagsakin ang naghahamon na Enderun Colleges, 83-71, sa pagsimula ng seryeng best-of-3 para sa kampeonato ng Seniors Basketball ng 19th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) sa Caloocan Sports Complex noong Miyerkules. Maaaring wakasan ng Saints ang serye ngayong araw sa Jesus Christ Saves Global Outreach sa Cubao at maiuwi ang ika-4 na sunod na kampeonato simula 1 p.m.
Maganda sana ang takbo ng laro para sa Titans, ang pumangalawa sa Saints noong 2018 at lamang sila ng lima papasok sa huling 3:30, 71-66.
Pinasok ni Jan Dominic Formento ang ika-limang tres at nagising sa Saint Clare para bumaha ng 14 pang puntos habang hindi na nakapalag ang Titans.
Nanguna sa Saints si Mohamed Pare na may 19 puntos.
Gumawa rin si Formento ng 19 puntos habang ipinasok ni Joseph Peñaredondo ang 9 sa kanyang 17 puntos sa pagbulusok ng Saints sa last quarter at may dagdag na 9 na rebound.
Sa kampeonato ng Juniors Division, ginulat muli ng Arandia College ang defending champion Junior Saints, 83-65, upang patunayan na hindi tsamba ang tagumpay nilang 81-75 sa OT noong elimination round





Comments